Ang pelikulang ito ay nag simula sa apat na mag-kakapatid na babae, sina Teddie na ginampanan ni Toni Gonzaga, Bobbie na ginampanan ni Bea Alonzo, Alex na ginampanan naman ni Angel Locsin at ni Gabbie, na ginampanan ni Shaina Magdayao. Sa araw ng pasko, hiniling nila na magkaroon sila ng isa pang kapatid, at di tumagal natupad din iyon sa katauhan ni Cj na ginampanan ni Enchong Dee.
Mula sa : http://scoopboy.com/four-sisters-and-a-wedding-gained-p15-million-on-its-first-day/ ni ScoopBoy |
Ang kwentong ito ay tungkol sa pag-pigil nina Teddie, Bobbie, Alex at Gabbie sa kasal ng bunso nilang kapatid na si Cj at ng kasintahan nitong si Princess na ginampanan ni Angeline Quinto. Ang paksa ay nauukol sa pamilya.
Nagampanan naman ng maayos ng mga nag-sipag ganap ang kanilang character. Pero meron paring mga pagkakataon na nasasapawan ng supporting characters ang mga main characters. Gaya ni Carmi Martin na talaga namang nakakatawa at agaw eksena, kasama ang kanyang makapal na bangs at ang kanyang French accent.
Tumutugma naman sa mga pangyayari ang mga tunog, magaganda at maaayos naman ang set at props. Gaya ng unang pangyayari, muka talagang nasa Spain si Toni Gonzaga dahil mukang mga Espanyol ang mga taong nakapaligid sa kanila, at pati ang wikang ginagamit nila. At ang paraan ng pagkaka make up sa kanila ay talagang maganda, umaayon sa personalidad na nais nilang ipakita.
Ang pelikulang ito ay pumatok sa masa dahil ang lahat ay makakarelate. Dahil lahat naman siguro ay may pamilya at nagkakaroon ng di pagkakaunawaan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento